Tagalog Love Quotes 6




nasasaktan din ako kapag pinapakita mong hindi na ako mahalaga sa’yo. Hindi ko lang pinapakita, gusto ko kasing malaman mo na kaya ko pa ring maging malakas kahit wala ka na.






Kapag sinabi mo panindigan mo. Wag mong gawing laro lahat ng desisyon mo sa buhay, sige ka ikaw rin, hindi yan katulad ng mga nialalro mo na may respawning point kapag nagkamali ka.







Ang taong nagmamahal, kahit tanghaling tapat sinusundo ang taong mahal nya. :D






Ok lang sa’kin ang salitang sorry kapag minsan ka nang nagkamali, ang hindi ok yung ginagawa mo ng habit ang pagsosory kapag may nagawa kang hindi tama!







Yung tipong lumulutang ka kapag dumadaan sa harap mo si crush…para kang namamasyal sa ulap…








ang hirap talaga pag torpe yung taong gusto mo, pinapakita mo na ngang gusto mo rin siya, wala pa ring ginagawang first move. Tss!







sabihin man nilang old school ako, pero mas gusto ko pa rin yung lalake ang nanliligaw kasi mas ramdam mo na babae ka talaga.







Lahat naman tayo nagkakamali, yun nga lang parang hobby na lang sa iba kung magkamali.







Kapag ako iniwan mo, tandaan mo lagi ang salitang to “Nasa huli ang pagsisisi”







Mahalin mo ako, at ibibigay ko sayo ang araw at buwan. Lokohin mo ako at sabay ko silang ibabagsak sa pagmumuka mo! :P







lahat ng tao kaya kang pangitiin, lahat ng tao kaya kang paiyakin, pero isang tao lang ang pwedeng magpangiti at magpaiyak sa’yo ng sabay. Yung taong mahal mo…







Ang hirap kapag yung taong pinapahalagahan mo ng sobra may ibang taong pinapahalagahan din ng mas sobra.







explain ko daw yung pagmamahal ko sayo. Sabi ko, “one word, unexplainable. ” :D







"I need space." ang pambansang dahilan kapag gustong gusto mo ng kumalas sa isang relasyon. Sa mga nagsabi nyan, good luck sa pagiging atsronaut!







Alam ko balang araw maghihiwalay din tayo, pero bago pa mangyari yon, papadama ko sayo na wala ng tao ang magpapadama pa sayo ng ganitong pagmamahal, malay mo sa ganoong paraan hindi mo na ako hiwalayan.








Kahit lagi kang nagtatampo, kahit lagi kang may mood swing, kahit lagi mo akong hinahampas ng bag mo kapag nagagalit ka, kahit lagi mo akong iniirapan at sinusungitan kapag bad trip ka. Ok lang yon, wala naman ako magagawa, MAHAL KITA eh.







Siguro pag nawala ka mamatay ako, kase ikaw yung taong nagbibigay sakin ng lakas para huminga at lumaban.







Ikaw yung pinakamagandang bagay na dumating sa akin, kaya hinding hindi ko hahayaan na basta basta ka na lang mawawala sakin.







Araw araw kasama kita, araw araw nagkikita tayo, araw araw pinapadama mo sakin na mahalaga ako sayo. Sana araw araw ganito na lang, kasi hindi ko na alam kung paano mabuhay ng wala ka.








Nandito lang ako, kapag kailangan mo ng kaibigan, ng makakausap, ng maiiyakan. Sabi ko kasi sayo iwan mo na siya eh. Ano bang nakita mo sa kanya?







Sana kaya kong ibigay ang buong mundo sayo para malaman mo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.







Ayokong mangako, hindi ako magaling sa mga ganyang bagay pero para sa’yo babaguhin ko lahat ng bagay na pag aawayan natin. Kasi mahal kita. Yun lang yon.







Nagtatanong sila kung gaano kita ka mahal, wala akong maisagot. Hindi ko kasi alam kung papaano susukatin yung pagmamahal ko para sa’yo.







Lagi kong sinasabi sayo na aalagaan kita, lagi kong sinsabi sayo na mamahalin kita habangbuhay. Sabihin man nilang ang “cheesy” ko pero para sakin totoo lahat yon, kasi sa buhay ko ngayon ikaw na lang yung tangi kong pinanghahawakan kaya hinding hindi na kita pakakawalan.







Lahat tayo naghahangad ng magagandang bagay, magandang kotse, magandang bahay, magandang sapatos, magandang damit, pero sakin isang magandang bagay lang ang hinahangad ko. IKAW. :)







Alam ko laspag na tong mga ganitong banat pero hindi ko matiis sabihin na sa tuwing nakangiti ka, hinihila ang mga paa ko papuntang langit, para kong nasa ulap. :)







Ituturing kitang prinsesa at ako yung prinsepe, parang fairy tale diba? Kasi gusto ko sa bandang huli “we live happily ever after.” 

0 comments:

Post a Comment

 
 
 

Join the Pamatay na Banat Club