Tagalog Love Quotes 7



isa sa mga pinakamagandang relasyon ay yung may panahon kayong magkulitan at magasaran.






Ang pakikipagrelasyon wala yan sa itsura, kapag handa ka na, dapat alam mo kung infatuation lang yan o talagang totoo na.







Yung taong mahal na mahal ka noon, handa ka ng layuan ngayon.








Second chance? Third chance? Fourth chance? Lahat tayo may karapatang mabigyan ng another chance. Another chance na magbago. Another chance para itama yung mga maling nagawa natin. And if we get that chance, grab it! Wag mo ng sayangin pa. Ipakita mong dapat ka talagang bigyan ng isa pang pagkakataon. Ipakita mo na worth it ka sa chance na yun. Wag mong sayangin, kasi yung ibang tao hindi naniniwala sa second chance. At hindi lahat ng tao nagbibigay ng another chance, sila yung mga taong ma-pride. Kaya dapat maging thankful ka kung nabigyan ka pa ng isang pagkakataon.








Lahat naman tayo dumarating sa puntong nasasaktan, nagagalit, o kaya nagseselos, pero kung talagang mahal mo, kaya mong tiisin lahat yan.







Sa isang relasyon normal lang yung hindi nagkakaunawaan. Kaya dapat matuto kang umintindi.









Ang panliligaw ay hindi natatapos kapag sinagot ka na ng babaeng gusto mo, tuloy tuloy yan. Ligawan mo siya kapag nagtatampo siya sayo. Ligawan mo siya kapag malungkot siya. Ligawan mo siya kapag masama ang araw niya. Ligawan mo siya kapag masama ang pakiramdam niya. Ligawan mo siya araw araw. Ligawan mo siya habambuhay.







Minahal kita ng walang dahilan, kaya sana kapag sinsabi ko sayong mahal kita, wag mong itanong kung bakit. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko.







Diba sinabi ko sayo noon pa na gusto kita? Pinaramdam ko rin sayo na kelangan kita diba ? Isang araw tinabihan pa kita at sinabing, "alam mo, mahal kita" pero sabi mo naman… "kaw talaga nagpapatawa ka ba?!"







Effort? Yun yung handa kang maghintay para sa taong mahal mo kahit na alam mong wala kang mapapala.







Apat na “M” lang ang masasabi ko.

- MAHAL KITA

- MAHALIN MO AKO

- MAGTIWALA KA LANG

- MAGTATAGAL TAYO.








Mahirap intindihin ang mga babae. Pero trabaho yun ng lalaki. Kaya wag kang mapagod intindihin sila. Dahil kapag sumuko ka, baka magsisi ka.








TURN ON: Yung magpupumilit talagang ihatid ka sa inyo kasi gusto niya makauwi ka ng safe.








Masakit makitang sinasaktan lang ng iba ang taong pinangarap mong mahalin at makasama









Parang bulalakaw ka naman dumating sa buhay ko, biglaan, hindi ko tuloy napaghandaan.







Kung sa bawat pagkakamali ko, halik mo ang kaparusahan. Handa akong maging makasalanan







Wala akong pakialam kung saan ka nanggaling. Ang mahalaga sa akin ay kung saan TAYO patungo







Minsan, mahirap magbigay. Minsan, mahirap magmahal. Minsan, mahirap masaktan. Pero minsan, ok lang. Dahil minsan, ikaw ang dahilan







Minsan, kailangan mong matutong bumitaw, dahil mas okay nang maging malungkot ng panandalian, kaysa magmukha kang kawawa ng matagalan.








Normal naman akong tao. Nagiging abnormal lang kapag kasama ang mga kaibigan ko.









Pasukan na naman. Uso na naman ang hingian ng papel at hanapan sa mga nawawalang ballpen.








Ang pag move on ay di lang pagsuko. Minsan ito ay pagtanggap na may mga bagay talagang hindi na pwede.








Madaling iwasan ang taong mahal mo, ang mahirap iwasan ay yung nararamdaman mo para sa kanya.







Salamat dati tinatanong ko kung ano ang pagmamahal, nung nakilala kita nalaman ko kung ano talaga to.

0 comments:

Post a Comment

 
 
 

Join the Pamatay na Banat Club