Donya Ina Banat


Eto ang mga banat ni Donya Ina sa kanyang mga anak. Ang Donya Ina ay ang latest banat lines na pinauso ni Michael V ng Bubble Gang. Kung ina ka, pwede mong gamitin to sa anak mo....





GRADES

Anak, Alam ko matalino ka. Pero bakit kailangan mong ipost lahat ng grades mo sa wall mo sa Facebook? Nakakadagdag talino ba ang pagpost mo ng grades mo sa Facebook mo? Di ka pa nakuntento, nag-tag ka pa ng classmates mo, para purihin ka at kainggitan ka.

Anong kaartehan at pagmamagaling yan? Paki-explain. Labyu


 










FIRST COMMENT

Anak,

Nakita ko yung comment mo sa status ng kaibigan mo, "First to comment". May matatanggap ka bang diploma nyan?

Paki-explain. Labyu!











BRACES

Anak,

Alam kong naka-BRACES ka. Pero hindi ibig sabihin nun maganda ka na ha? Nagmukha ka lang PIRANHA.

Naexplain ko na! Labyu!













TEARY EYED

Anak,

Nakita ko ang picture mo sa FB na nakangiti ka at teary eyed pa at may quote pa na "I'm smiling. But i'm dying." Anong kagagahan yan?

Paki-explain. Labyu!












ANTOK

Anak,

Bakit gising ka pa? Nabasa ko nga pala yung post mo na: "ang tagal naman akong dalawin ni antok!" Anong kabaliwan yan nak? Umaakyat na ba ng ligaw ang antok sa panahon ngayon at kelangan ka pang dalawin?

Paki-explain. Labyu!












FANSIGN

Anak,

Ano nanaman ba yung status update mo? “WHO WANTS FANSIGN?”. Eto pala seselfie mo kanina na may kasamang papel na may pangalan ng mga imaginary fans mo? Matanong ko lang. Artista ka ba? Ano ba ang mayroon sa fansign na yan? Anak, pumikit ka nga. Di ba wala kang nakikita? Ganyan karami ang taong gusto magkaroon ng fansign mo. Kung feeling mo ay mala Ann Curtis ka na. Sige Eh Push lang natin yan! Tatawag na rin ako ng photographer ng makapag photoshoot ka at maipa billboard natin sa EDSA yung fansign mo.

Paki Explain! Lab You!

laughinglaughing








SEXY

Anak,

Nabasa ko status mo, "Ang SEXY ko talaga." Hindi ka sexy anak, payat ka lang. Anong pag-iinambisyosa 'to?

Paki-explain. Labyu!











ONLINE CONTEST

Anak,

Balita ko sumali ka nanaman sa isang Online Contest. Paramihan ng Likes sa Picture. Para ka ng kandidato na tumakbo sa eleksyon. Busy sa pamimilit ng mga taong magla-like ng picture mo. Patu ba nmana ako at sendan mo pa ng pm mo. “Please Palki LIKE naman ng Picture ko!” Anong kabaliwan yan? Maganda ka na nyan?


Paki Explain! Lab You!










ABS

Anak,

Marami bang mag lalike sa picture mo pag nakita nila ang abs mo sa mukha? yung totoo nag gygym ka o nag phophotoshoot? anong pag fefeeling gwapo nanaman ba yan?

Paki Explain! Lab You!

 









CONGRESSMAN

Anak,

Bakit kapag may naglike ng status o picture mo kelangan lahat pinasasalamatan mo? Ano ka? Congressman?

Paki-explain! Labyu!











PLEASE "LIKE"

Anak,

Ano yung chinat mo sakin, "Hello guys, please like my profile picture. Thanks!" Anong pagmamaganda na naman 'to?

Paki-explain. Labyu!

 









HASHTAG

Anak, Kailangan ba na punuin mo ng hashtag bawat post mo sa Instagram? nag post ka pa kung mas marami pa ang hashtag mo kesa sa picture mo. Ano to? HASHTAGRAM?

Paki Explain! Lab You!











STARBUCKS

Anak,

Galing ka nanaman ba ng Starbucks? Ginawa mo nanamang studio ang Starbucks? nag pictorial nanaman ba kayo ng inorder mo? ung totoo? coffee shop yan o photo studio?

Paki Explain! Lab U!











GM (Group Message)

Anak,
Kailangan ba na mag GM bago matulog? Yung totoo? Artista ka ba? may mga fans ka ba na mababaliw at maiiyak kapag naka tanggap sila ng text galing sayo? Sige sa halip na magdasal ka bagi matulog eh GM ang inaaatupag mo? anong pag mamaganda nanaman yan?

Sige nga! Paki Explain! Lab You!





0 comments:

Post a Comment

 
 
 

Join the Pamatay na Banat Club