Ang pag-ibig parang imburnal
Nakakatakot mahulog.
At pag nahulog ka,
its either by accident,
O talagang TANGA ka lang.
Ang pag-ibig parang Alahas
Pag di totoo, Kumukupas
Ang pag-ibig prang pera
Ang Bilis mawala
Ang pag-ibig parang rubber band na hawak ng dalawang tao in both ends
Kapag Bumitaw ang isa, ung nag-hold-on ang masasaktan
Ang pag-ibig masarap pakinggan at madaling paniwalaan
Pero kung di mo kayang panindigan, wag mo n lang umpisahan
para wala nang masaktan
Ang pag-ibig daw ay parang bilbil
Pilitin mo mang itago, lalabas at lalabas pa rin
Ang pag-ibig parang baraha.
Pwede kang pumili ng sarili mong cars...Club Spades o Diamond
Pero lagi mong tatandaan na
"Never play with the Heart"
Ang pag-ibig ay parang ihi, masakit pigilan, masarap ilabas, nakakakilig pa,
pero sa mga not meant to be, mahapdi.
Ang love ay parang isang ibon..
hayaan mo sya kung gusto nyang umalis..
babalik un kung gusto nya..
pero kung hndi na, hayaan muna baka mas masaya sya sa pugad ng iba.
Sa pag-ibig, walang bulag walang bingi
Pero TANGA madami
Ang pag-ibig ay parang malinaw na tubig
Lumalabo kapag maraming nakikisawsaw
Dati sineseryoso pa ang pag-ibig
ngayon ginagawang laruan na lang
Ang pag-ibig parang MRT
Bakit mo pa ipagsisiksikan ang sarili mo kung masikip na
May next train pa naman
Ang pag-ibig ay parang plantsa. Pag di na mainit, di na kayang umayos ng gusot.
Ang pag-ibig ay parang ay parang cellphone na nahulog sa toilet bowl.
Makukuha mo lang pag may lakas ka ng loob.
Ang pag-ibig ay parang tsinelas.
Di ka makakapaglakad ng maayos kung wala yung isa.
Ang pag-ibig ay parang turtle na may pakpak. Kalokohan.
Ang pag-ibig ay parang bagyo.
Hindi mo maprepredict kahit may PAGASA
Ang pag-ibig ay parang bill ng kuryente.
Maraming hidden charges, wala kang laban.
Ang pag-ibig ay parang Algebra.
Parating panggulo ang “x” at laging may tanong na “y”.
Ang pagibig ay parang Aso. nakaka-Ulol.
Ang pag-ibig ay parang bulutong. Nagiiwan ng marka.
Ang pag-ibig ay parang lobo. Once na binitawan mo, hindi na babalik sayo.
Ang pag-ibig ay parang course. Minsan, hindi talaga para sayo. Kaya kailangan magshift.
Ang pag-ibig ay parang Math. Hindi nauubusan ng problema
Ang pag-ibig ay parang damit. Hindi lng basta dapat bagay sayo. Dapat komportable ka rin.
Ang pag-ibig ay parang PE. Minsan nakakapagod, minsan boring, minsan papawisan ka, minsan naglalaro ka lang talaga
Minsan ang love ay parang SIOPAO. BOLA-BOLA lang.
0 comments: