Banat ng mga Pogi at Gwapo 2



One day, Napadaan ako sa harap ng mag-syota, tas napatingin saken yung Girlfriend.
Ayun! Na-uso ang
Break-up.








Dear girls,
Pag tinanong kayo kung taken na kayo, aminin nyo!!
Hindi yung pag ako nagtatanong sagot nyo lagi
walang bf!!!








Natakot ako sobra kanina pag- labas ko ng bahay,
Biglang may nag-sisigaw na babae

Yung pinaka-POGI sa street natin gising na... (( haayyysss ... Girls these days ..









Yung kailangang lagi kang naka Off sa chat kase
andaming gustong makipag- usap sayo na chikas.







Langya yung cashier sa kinainan kong restaurant.
Napakaraming beses inulit yung order ko.
Hinawakan pa ang kamay ko pagkuha niya ng bayad.
I feel harassed










DICTIONARY
Marami kayong matututunan dyan,
pwera lang ang maging kasing gwapo ko.









walang maupuan sa bus pinaupo ako ng chick sa
upuan niya kandongin ko nalang daw siya.








Ang tunay na Pogi, Di na kelangan mag Axe para
habulin nang babae, Kindat lang sapat na.








Di ka pwedeng kumaen sa mga resto, fastfood or kahit sa carinderia. 
Mahirap na magayuma








Yung pagka gising mo bubungad sayo
sandamakmak na marriage proposal  
I'm so tired of this!







Minsan may ni like akong status nang babae kase natawa ako. 
After 10 seconds nagpadala sya nang Relationship Request. 
Hay Buhay.







May babaeng nagtanong saken nasaan yung Ballpen nya, 
Tinuro ko gamit ang aking nguso. 
Mantakin mo, bigla nalang akong nil*pl*p.








Yung magpapainjection ka sa nurse pero tinanggihan ka
kase ayaw ka nya masaktan.









yung tipong gustung gusto ka ng mga jeepney driver kase
pag sumakay ka puno kagad
yung jeep ng mga babae.









May mga babaeng nagpaparinig sakin.
"Crush na nga lang daw marami pang kaagaw"








Yung mga babaeng makikiabot lang ng bayad sa dyip tapos hahawakan pa
yung kamay mo.. Ate, I feel so harassed.







Pag ako pumanget,
Hu u kayo sakin









Sa lahat ng POGI na sawang- sawa na sa kagwapohan nila,
Hanapin at dakpin natin si NORA AUNOR kasi kailangan
natin ng HIMALA para pumangit.







alam nyo ba kung bakit laging busy ang mga Gwapo?
Explain ko bukas ha, BUSY pa
kasi ako.








Hindi ako makapag basketball ng maayos.
Sa tuwing may pawis kasi ako sumusugod lahat ng
babae para punasan ang pawis ko! 








HERRERA po ang apelyido ko,
hindi Anakanmoko!







Yung nagpasahan ko ng resume ko, 
TRABAHO po ang kailangan ko 
hindi textmate. ate wag po!







Isang araw, napanaginipan ako ng isang babae. 
Ayun, nauso ang dream boy.










Nakakalungkot mang isipin, CONDOLENCE sa lahat ng patay na patay sakin. HAHAHA







0 comments:

Post a Comment

 
 
 

Join the Pamatay na Banat Club