Si Boss at si Juan



SI BOSS AT SI JUAN


si boss ay isang mayamang may-ari ng farm na mainitin ang ulo. mahigpit siya sa mga tauhan
niya kaya naman takot silang magkamali kay boss. ganunpaman, nag-ring ang telepono ni boss ng
alas kwatro ng madaling araw....


JUAN: hello boss? si JUAN po ito yung
katiwala ninyo sa bahay-bakasyunan ninyo


BOSS: tangina naman JUAN oh. nakakainit ka
naman ng ulo, ganitong oras ka tatawag! bakit ba?


JUAN: uhmm... napatawag lang po ako para
abisuhan kayo na namatay ang alaga mong parrot


BOSS: yung parrot kong si pikoy, patay? yung
nanalo sa bird show?


JUAN: opo sir, yun na nga po


BOSS: anak ng puta naman oh! ang laki pa naman
ng nagastos ko sa ibong yon....ano ikinamatay?


JUAN: eh kumain po kasi ng bulok na karne


BOSS: puta, bulok na karne?!? sinong bobo ang
nagpakain sa kanya ng bulok na karne?


JUAN: ww-wala pong nagpakain... kinain niya
yung patay na kabayo


BOSS: putangina anong patay na kabayo?!?


JUAN: yun pong mga thoroughbred horses
niyo sir. namatay po kasi napagod po kahihila ng
kariton ng tubig


BOSS: bwakanangina naman! anong kariton ng
tubbbiiiiggggg?!?


JUAN: yun pong pinampatay namin ng sunog


BOSS: pukinangina!!! anong sunog naman yang
pinagsasasabi mo?


JUAN: yun pong halos tumupok sa bahay
niyo... tumumba po yung isang nakasinding
kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na
kumalat ang apoy....


BOSS: mga punyeta kayong mga bobo kayo!!! eh
may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan
ah. para saan yang kandilang yan?


JUAN: para sa burol po


BOSS: hah??? kaninong ka-putahang burol naman
yan!?!


JUAN: sa nanay nyo po sir. bigla kasi siya
dumating dito nung isang gabi pero walang
kaabi-abiso. lampas hatinggabi na. akala ko po
magnanakaw... kaya binaril ko.



HAHAHA


0 comments:

Post a Comment

 
 
 

Join the Pamatay na Banat Club