Ibat ibang Klase ng Estudyante



Sa mata ng isang guro, may isang dosenang klase lang ng high school students.






CLOWNS
Ang official kenkoy ng class. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang teacher, eto raw yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino, o kadalaasng matalino, na tamad lang, eh dinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung meron man, magigigng malaking sakripisyo ang pagpasok sa skul araw- araw..









GEEKS
Mga taong walang pakialam sa mundo, libro, teacher, at blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit na ang ulo ng teacher at bad trip, ang mga ge eks ang walang takot na lumalapit sa teacher at nagtatanong kung mag-iiba ang result ng equation kung isa-substitute ang value ng X sa Y.










HOLLOW MAN
May 2 uri ng H.M virus, ang Type A at Type B. Ang type A ay ang student na madalas na invisible sa class, bakante ang upuan, madalas absent. Ang type B naman ang pumapasok sa skul bagamat present eh inivisible naman ang sagot sa mga quizzes, at hollow ang utak …










SPICE GIRLS
Barkadahan ng mga magkaka-ibigang babae mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok ng room after recess. Madalas na may hawak ng brush, at songhits. Pag pinagawan mo ng group works, sila ang madalas na magkaka-gr upo…










DA GWAPINGS
Ang male counterpart ng Spice Girls, isinilang para magpa-cute. Konti lang ang members nito, 2-3 lang para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng Spice Girls, kadalasang puro Hair Gel lang ang laman ng utak ng mga Da Gwapings…










CELEBRITIES
Poloticians, Athletes, Performers. Politician ang mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng skul at mga kapwa skulmates kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang ‘varsitarians’ na kung gaano kabilis tumakbo eh ganon kabagal magbasa. Performers naman ang mga students na kaya lang yata pumapasok eh para makasayaw, kumanta, at makatula sa stage kapag Linggo ng WIka.. Sa pangkalahatan, ang mga celebs ay matinding PR, pero mababang IQ..










GUINESS
Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ang mga kakulangan sa katalinuhan. SIla ang mga kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, actibo sa recitation. Paulit ulit magtaas ng kamay, kahit na laging mali ang sagot…










LEATHER GOODS
Mga estudyanteng maling uri ng determinasyon meron. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang mga buwaya sa pakapalan…









WEIRDOS
Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian, konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teachers’ enemy…









MGA ANAK NI RIZAL
Ang mga Endangered Species kumbaga… Straight ‘A’ students pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science, at ENglish, pero may oras pa rin sa extra-curricular activities, at gimiks.. Hanep!









BOB ONGS
Mga medjo matino na may sayad…








COMMONERS
Mga generic na member ng class. Kulang sa individuality, at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila agad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila…







0 comments:

Post a Comment

 
 
 
free counters

Join the Pamatay na Banat Club