Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo satabi mo… ganyan ang senaryo sa bus.. Ganyan din ang pag-ibig .. Lalong di mo kontrolado kung kailan sya bababa.
Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya. Naunahan ka lang.
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
Hiwalayan na kung di ka na masaya.
walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.
Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin
Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
Pag hindi ka mahal ng mahal mo, huwag kang magreklamo.
Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.
Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.
Kung sa tingin mo naloko mo ako.. nag kakamali ka..
kc ikaw ang naloko ko..pinaniwala kita na naloko mo ako…
Kung hindi mo mahal and isang tao,
wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.
Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.
Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw.Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.
Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.
Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
0 comments: