Uri ng Pasahero sa Jeep

Uri ng Pasahero sa Jeep


IDLE MODE
- Hala sige nganga pa at papasukan na yang bibig mo ng langaw. Isaka talagang certified MASA ka masandal tulog!. No wonder at up and down and movement ng ulo mo at maya-maya babagsak na yan sa balikat ng katabi mo. Or bigla ka nalang mapapayuko ng sobra na tila gusto mo ng ilapit ang ulo mo sa tyan mo at biglang <boom!> Magigising ka nalang at magkukunwaring parang walang nangyari. Either kukunin mo ang phone mo or may ichecheck kunwari sa bag! hahaha



BUKAKA KING AND QUEEN
- Sila ang mga taong feeling nila sumakay sila ng taxi o nabili na nila ang jeep. Ang sikip na nga at pilit mo na silang sinisiksik ayaw parin nilang iayos ang pagkakaupo. Iisang pwet na nga lang upo ko eh.. kahit anung usog mo. bukaka pa din ang mga ungas.. laughinglaughing



ARAL MODE
- gawain natin toh.. e2 ung mga taong di nag rereview sa bahay.. laro ang inatupag or nuod ng movie buong gabi..Wala silang pakialam sa mga nangyayari sa jeep basta focus sa pagrereview, may exam kasing dapat ipasa. partida maglalabas pa yan ng calcu. or sa jeep na din gagawa ng kodigs.. imba naman.. lantaran?? haha



KAYOD KALABAW
- sila ang mga chikiting na humihingi satin ng konting barya.. ung iba merun pa nga sobre... last week nakaranas ako nyan sa may quirino.. pinunasan pa nya ung mga sapatos nung nakasakay.. eh walang nagbigay.. aun inapakan nya ulet ung mga sapatos sabay baba.. imba noh?  



TIGHT ANG BUDGET
- “Manong kulang pa ng Piso!” hahaha Sila ang mga pasaherong tight ang budget. Although wala namang masama sa pagtitipid. Kaso lang sisigaw pa yan at sasabihin kay mamang drayber na hindi cya tamang magsukli at malalaman mo nalang PISO lang pala ang kulang.. galit pa yan tapos masama tingin...



MEGAPHONES
- Sila ang nagbibigay buhay sa loob ng jeep, maliban nalang sa soundtrip ni kuya drayber na kadalasan ay love song o kaya naman ay remix ng kung ano anong tugtugan (gangster pa kadalasan). Haha. Napakalakas ng boses nilang mag-usap, e magkatabi / magkatapat lang naman sila. At eto pa hindi pa nakuntento at tatawa pa yan. Hanggang sa pagbaba walang bukang bibig kundi ang maiinit na topic sa buhay nila..
 




HIGH BLOOD
- e2 ung mga taong galit lumampas lang ng konti sa babaan nila.. ayaw maglakad..Bawal nga po dun magbaba kasi po huhulihin si manong drayber. Lumampas lang po ng kaunti galit agad? hahaha kung mahuli kayu,, mas abala sayu di lang sa sau pati sa iba...
rolling on the floorrolling on the floor



COMATOSE
- e2 ung mga taong ayaw mag abot ng bayad.. kahit manigas at mangawit pa kili kili nung nag babayad ayaw pa din kunin.. e2ng si kalikot sa bag, nag tetext at kung anu pang palusot.. kaasar un.. pag ako nilalakasan ko boses na nakaharap sa kanya para matauhan..
 


SIKSIK PA
- “O tatlo pa.. tatlo pa…” edi sakay ka naman. Malalaman mo nalang na wala ka na palang mauupuan kundi ang napakaliit na espasyo na kahit ang binti mo ay hindi na ata magkakasya. kahit wala na sisiksik pa din.. makasakay lang..kaw naman cyempre uusog kahit wala na uusugan..



BUDOL - BUDOL
- Hindi sila holdaper at lalong hindi snatcher. Hahaha. Sila ang mga pasaherong nagkukunwaring tulog, nagttxt, may kausap sa phone, taga-abot ng bayad at kung anu-ano pang pagkakabusyhan. Basta’t hindi lang mahalatang di pa siya nagbabayad. huli ako nakakita ng ganito nag suntokan sila nung driver.
 



ang TULAY
- eto yung kawawa ngunit mabait na pasahero na naging daan upang maiabot ang bayad sa driver. laughinglaughing



the STORYTELLER
- yung dinadaan sa kwento ang driver para makalibre sa pamasahe.


si JUAN TAMAD
- eto naman yung pasaherong sumakay ng jip tapos pag nagbayad sa driver,ang saasabihin ay 'Malapit lang po.' (nilakad mo nalang dapat  )  laughinglaughing



the ARTIST
- mga pasaherong laging nakadungaw sa bintana,feeling the presence of the air, nag-eemote. Parang nagshoshoot lng ng music vid




WAPAKELS - eto ang grupo ng pasahero na WALANG PAKIALAM sa mga kapwa nila pasahero. basta sila chickahan to the max, tawanan, kulitan, harutan, bastusan. malalaman mo na lang ngyari sa buhay nila that day sa ingay nila. madalas ang mga ito ay estudyante or magkumare/magkumpare or pamilya.
 



JUSKOPO - eto nman ang uri ng pasahero na nakasakay sa PATOK* jeep na buma-banking. sila un walang ginawa buong oras na nakasakay sa jeep kundi, manalangin at awayin un drayber hangang mkababa sila sa pupuntahan nila or mapababa ng wala sa oras.(eh bat nman kc nsakay s patok eh takot nman pala)




Abot-Yaman
--> Yung taga abot ng bayad ng bayan, kadalasang naka pwesto ito sa likod ng drayber.




Son-of-Inertia
--> Ito yung mga manyakis na gumagamit ng Inertia sa panya-nyansing, kunwari malakas ang preno kaya todo react sa pangyayari makayakap lang o makasandaL sa chicks.
 



Kapitan Basa
 - eto un pasaherong mahilig makibasa. sa umaga, nkikibasa sa dyaryo ng may dyaryo...un iba naman na matitindi eh un nakikibasa ng text ng may text, kulang na lang na xa na un mgreply sa katext mo.
laughinglaughing



FULL LOADER. Eto yung pasaherong full loaded ang sakay, chicharon,sitsiriya,kahon ng delata,tumagas na dugo ng isda,at kung anu anu pa. kadalasan ay tindera



pacute
-ito ung mga mukhang ungoy na felingers n akala mu c adones na kung mgpacute sa mga chiks ih garapalan na   



BIG FAT MEANY
- Mga pasaherong binabayad lang ay isa pero ang sakop ng katawan nila LIMA >.< Yung mga malalaki pwet jan hahahah
laughinglaughing


TIKTAK - eto un mga pasaherong maya-maya ang tingin sa orasan. marahil ay dahil late na sila. sila un mga papasok sa school or sa office ng maaga na ilang minuto na lang ang nalalabi or me kaappointment or kadate. sila u madalas badtrip sa jeepney driver na hinto ng hinto khit wala nman nsakay or nababa. mas lalong badtrip sa traffic at sa jeep na kung kelan ngmamadali sila eh xa nman biglang mgpapagas pa un jeep.... oh diba badtrip!




Sniper w/antenna - eto mga taong pagnakakakita ng boobs ay halos ayaw ng mahiwalay ng mata dun sa tinitignan nya kesyong makita sila nung katapat..at ang matindi pa dito ay talagang lalapit siya makita lang ang kaloob looban.garapalan ..LOL..yung tipong antenna na lang kulang eh cable na pinapanood..^^



Bomberman - un ung mga amoy putok.   


Inahin - ung mga maiinit na pwet nililimliman ung upuan.  laughinglaughing


siko king - mga lalaking ginagamit ang siko pra makatyansing sa katabing chix


the statue - yung pasaherong inaabutan mo ng bayad ngunit walang reaksyon, parang nakiusap ka sa isang statue.


spotter
- eto naman yung pasimple kung sumulyap o tumingin. pwedeng babae o lalaki. kung babae madalas sumisimple pag pogi yung lalaki at pag nilingon siya o tiningnan ng tinitingnan niya eh iwas tingin siya. at isa pang klase ng spotter ay yung lalaking manyak. makakita lang ng konting awang eh babalik-balikan ng tingin hanggang bumaba ang minimanyak ng tingin



tamang hinala
- eto yung pasaherong pasakay na pero pag nakitang mukhang goons ang mga nakasakay eh hindi na sasakay. o kung may sumakay na mga mukhang goons eh bababa ang tamang hinalang pasahero dahil natakot.




STUNT MAN O WOMAN
- sila yung tanging pasahero na laging alisto @ gusto nila laging sa dulo ng jeep o sa tabi ng pinto sa harap..dahil kapag oras na may nangholdap bigla silang tatalon kahit tumatakbo pa ang jeep syempre gugulong sila according sa scene hehehe.. pero 50-50 buhay nila kasi misan sa gitna na ng kalsada gulong nila imbes sa tabi hahahaha




SPECIAL MENTION
- si manong driver na walang tiwala sa mga pasahero nya kadalasan mga studyante sangkot dito..makakarinig ka ng "O sino pa walang bayad dyan malapit na tayo" o diba kapal muks hehehe..
 


MMK
- eto yung klase ng driver na madaldal mahilig magkwento tila feeling si "charo santos"..



Rockstar wannabe - mga pasaherong laging nakaheadset at walang paki sa ibang tao dahil nag-iimahinasyon sya ng sarili nyang concert




Runner
- mga pasaherong laging nakaupo sa dulo ng jeep at naghihintay na bumagal ang takbo ng jeep sabay bilang ng 1, 2, 3 at kakaripas ng takbo dahil di nagbabayad




anal na Aso, Santong Kabayo
- kadalasan isang ale na may hawak ng rosaryo at ngdadasal habang tumatakbo na un dyip.. kailangang nakalitaw un rosaryo para makita ng iba un paglipat ng button ng rosaryo sa bawat hail mary, holy mary, and glory be.. ang masakit, pag pumara at hindi agad naihinto ng driver, puro *&^%$## aabutin ng pobre.



Spiderman
- eto naman un kahit maluwag sa loob eh gusto ng sabit.. kesyo masikip, "malapit lang ako", "mainit sa loob", "ngyoyosi ako ", un pala walang pambayad.. tatalon na lang bigla sabay thank you.. ( un iba kakatukin pa un bubong ng malakas para tumigil un dyip.. kala mo naka post paid sa driver kung maka para )



HIT and Run
- Ito yung mga taong pasimpleng tumingin lalo na kung maiksing palda na ang involved...Sisilip saglit sabay tingin sa ibang tanawin hehe
 


Amnesia girl/boy
- eto naman yung mga pasaherong bigla na lang magsasalita ng "asan na ko?" kadalasan nito yung mga nakakatulog (karaniwan lasing) nangyare lang to nakaraang araw lang sa alabang terminal ng jeep papuntang cavite bigla na lang nagtanung yung lalake "asan na ko?" sucat nba to? Tanga lang






0 comments:

Post a Comment

 
 
 

Join the Pamatay na Banat Club