Anong Klaseng Single Ka?

para toh sa mga single... single singlan.. pwede din sa may iniibig na..


bahala na kayu kung asan kayu dyan





Destiny Addict
- Ito ‘yung mga taong hinihintay na gumawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “soulmates”. eto ung walang gusto gawin or ayaw kumilos.. naniniwala kasi sila na ung para talaga sa kanila ay bigla dadating or ung di inaasahan..

Laging sinasabi : "Di hinahanap un.. darating yan ng kusa"




Perfectionist
- Simula nung magkamalay ang taong ito, nakalista na ang mga bagay na gusto niya sa kanyang magiging boyfriend/girlfriend. Kapag may nakilala siya at nakitang madumi ang kuko, magkadikit ang kilay, may butas sa ngipin, o parang penguin maglakad, wala na. Turn off na ‘yun para sa kanya. in short MAARTE sya.. pero sya din naman salubong kilay


Laging sinasabi : Ok na sana siya e. Kaya lang gusto ko ‘yung ganito…gusto ung ganyan”






Busy King/Queen
- sila ung masyado marami inaasikaso.. di na maharap ung lovelife.. masaya na sila nakapanuod ng tv tapos matutulog, papasok sa work or school.. uuwi.. gawa homework. tulog tapos pasok ulet.. paulit ulit ulit ulit ulit..

Laging sinasabi : 'Sorry. Wala akong time sa ganyan e.”






Friends Forever Style 1
- Kunwari ka pa dyan. Alam mo namang gusto mo talaga ‘yang best friend o special friend mo pero hindi mo lang sinasabi at pinapadama dahil ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyong dalawa. ‘Yung tipong ‘pag may kasamang iba ‘yung gusto mo, kunwari ka pang masaya ka para sa kanya pero sa totoo lang, gusto mo na malusaw na parang ice dahil sa Global Warming.

Laging sinasabi : “I’m so happy for you!” congratz








Friends Forever Style 2
- Wala tayong magagawa pero talagang malapit ka lang sa kabilang kasarian–pero bilang kaibigan lang. One-of-the-boys, ladies’ man. Hindi ka naman homo o bi pero sadyang kaibigan lang ang tingin mo sa mga taong hindi mo kapareho ng chromosomes. Masaya ka nang nakaka-hang-out lang sila, nakakakwentuhan, niyayakap nang walang halong malisya. mahirap tantyahin ung ganitong tao..

Laging sinasabi : “May inuman ba mamaya?” (kung babae) o “Hatid ko ba kayo mamaya?” (kung lalaki)






Born to be ALONE
- Single-blessed ka at wala ka nang magagawa kung ganun. Nilikha ka siguro para maging mag-isa (pero syempre may pamilya at kaibigan ka naman,hehe) hanggang tumanda ka na at ipadala sa Home for the Aged. Marami akong kakilalang mukhang ganito ang patutunguhan at hindi naman sila mga pangit o abnoy talaga. Minsan lang, masyado silang masungit.. mapili ung mga ganito karamihan..

Laging sinasabi : "I want to be Alone" or "Haay ako na naman mag isa"






Happy-go-lucky
- ‘Eto ‘yung taong masaya na sa trip-trip lang at kung anu-anong mga happenings. Kahit sino na lang basta no strings attached. For fun lang at walang seryosohan please. Personally, ayoko nung mga ganito. Umaapaw lang siguro ‘yung mga taong ganito sa L. mga walang magawa sa buhay tong mga toh

Laging sinasabi : “I’m not ready to commit e, pero gusto kita"






Wrong Time
- Eto naman ‘yung mga laging idinadahilan na masyado pa silang bata o kaya masyado na silang matanda. May mga tao raw na ganyan, ‘yung pakiramdam nila laging may tamang panahon para sa pag-ibig. Pero ang labo lang kasi tuwing may pagkakataon naman, lagi nilang naiisip na maling panahon pa iyon.


Laging sinasabi : “We had the right love at the wrong time.." hahaha






Parent Trap
- Ayaw ni mama o ni papa na magkaboyfriend/girlfriend ang kanilang unica hija/hijo kahit na 22 years old na ito at kumikita na ng sarili niyang pera. or natatakot ka na baka kung ano sabihin ng parents mo sa taong iyong gusto..

Laging sinasabi :“Baka kasi magalit si Papa.”






Trauma
- Dahil sa dami ng mga heartbreak na iyong nadama at emo songs na napakinggan mo na noon, sinumpa mo nang hindi ka magmamahal. Ayaw mo na. Sawa ka na sa paglalaslas ng pulso, este, sa paglalagay ng mga madramang stat message sa YM at pag-iyak ng balde-baldeng luha. Awwwww.

Laging sinasabi : "Ayoko na ulet masaktan" humihikbi hikbi pa..





Ayaw
-Dalawa na namang kaso ito. Una, ayaw mo lang talaga magka-”someone”. Hindi ko na pipilitin ungkatin ‘yung dahilan pero may mga pagkakataon lang talaga na ayaw mo. Ikalawa naman, baka…ayaw kasi sa’yo nung gusto mo. or ayaw niya sa’yo dahil may girlfriend/boyfriend siya, busy siya or whatever, o kaya ayaw ka lang niya talaga at wala ka nang magagawa kung ganun. kaya iyak na lang..




1 comments:

Unknown said...

Single kase ayaw saken :(

Post a Comment

 
 
 
free counters

Join the Pamatay na Banat Club